Friday, April 03, 2009

LP 51: Paboritong Litrato



Una sa lahat ay binabati ko ng isang maligayang unang anibersaryo ang Litratong Pinoy. Pasensiya na at medyo nahuli ang aking lahok para sa Linggong ito.



Ito ay isa sa mga paborito kong larawan naming mag-ina. Kuha ito noong Hulyo 6, 2008 sa labas ng aming bahay. Napakaganda ng panahon ng araw ng iyon kaya niyaya kong lumabas ang aking anak upang makapag bisikleta sya habang ako naman ay nakaupo sa gilid at pinanonood siya. Maya-maya ay lumapit siya sakin at sinabing gusto niyang magpakuha ng larawan. Gustong gusto ko ang mga kulay sa larawang ito.

{ This is one of my favorite photo of me and my daughter. This was taken last July 6, 2008 outside our home. The weather was perfect that day so I took my daughter out so she can play with her bicycle while I was sitting nearby watching her play. Suddenly, she came and told me she wants to have a picture taken. I really love the colors of this picture.}





Ito naman ay kuha noong Pebrero 26, 2007. Ito ay kuha sa isang restaurant sa Mall of Asia. Ito ang huling masayang litrato naming mag anak bago umalis ang asawa ko papuntang Riyadh.

{This one was taken last February 26, 2007. This was taken in a restaurant at Mall of Asia. This was the last happy picture of us before my husband left for Riyadh.}


4 comments:

irie said...

hehehe angkyut naman niya. sarap pisilin ng cheeks :)

ako din, may paboritong litrato! :D

may peborits :D

HAPPY ANNIVERSARY ka-LP!!!

an2nette said...

Hi! ang cute naman ng picture nyong mag ina, ok yung colorful background.

SASSY MOM said...

Ang kyoot ng shot! Nakakatuwang tingnan ang bonding moments.

Jay - agent112778 said...

ang cute cute talaga

sana maibigan nyo rin ang aking paboritong litrato


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)