Thursday, March 26, 2009

LP: Sapatos



Hindi ko nagawan na kuhanan ng litrato ang dapat sana ay lahok ko ngayong linggo. Bagkus ito ang ibabahagi ko sa inyo.....







...Tama ang nakikita nyo. Magkaibang pares nga ng sapatos ang aking lahok sa linggong ito. Isang nakakatuwang pangyayari na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko, at aaminin ko, ngayon lang nangyari sakin ito :). Pumasok ako ng opisina na suot ay magkaibang pares ng sapatos dahil sa kamamadali ko. Mabuti na lng may isa pa akong pares ng sapatos sa opisina. kaya pagdating ko ay nagpalit ako kaagad. Mabuti na lang talaga dahil kung hindi, hindi ko matitiis ang kahihiyan. Hahaha! Natatawa ako sa sarili ko (lol!)



7 comments:

MiLeT said...

grabe mhay, super madali ka na siguro noh.

☆Willa☆ said...

naks, feeling cinderella ah,kaso wala dumating na prince charming! :D

~ Mhay ~ said...

Milet, naku super kakamadali ko talaga tapos madilim pa sa room kaya kung ayun ang nangyari, LOL!

Lynn said...

Magkapareho kasi ng kulay. Madilim siguro nung nagsuot ka ng sapatos.

LYNN

Thess said...

A ha ha ha! naku naiintindihan ko nangyari sa iyo dahil sa kakamadali ko rin, ako naman ay may nakalimutan isuot! (naku nde salawal ha!) lmao!

buti may extra pair ka sa office ;)

Thess

mirage2g said...

ahahaah brown naman sha pareho eh! lol. buti n lang saved by the other pair hehe! Happy LP!

www.gmirage.com

irie said...

ay grabe. sa sapatos?? buti napansin niyo po agad hehehe

ang aking sapatos ay andito naman:

krismas gip :D

HAPPY LP po! :)