Thursday, June 19, 2008

Konting kwento lang..

Kagabi pagdating ko sa bahay nagbihis lang ako para umatend ng midweek service namin. As usual naghabol si kulit at ayaw talaga ako paalisin. Umiiyak siya habang mahigpit na nakakapit sa binti ko. Para tumahan sabi ko sa kanya, "ok get your shoes, sama ka kay mommy.." aba, dali-dali niyang kinuha ang sandals niya at pati ang shoes ng mommy niya sabay sabi "mommy ayesh..come on, come on!" may luha pa ang mata pero nakangiti at excited.. Akala niya isasama ko talaga siya. Ang bata nga naman, ang dali mabola, hehehe. Ang totoo ihahatid ko lang siya sa bahay ng parents ko para malibang. Gusto ko man kasi isama hindi pwede dahil baka gabi na masyado matapos ang service.

Bago kami umalis, sabi ko sa kanya, "get your towel and wipe your face.." sinunod naman niya ako. Pagkatapos punasan ang mukha niya binigay sakin ang towel sabay sabi..."mommy...armpit" sabay taas ng dalawang kamay--at nagpapunas pa talaga! Pawis na kasi siguro. hehehe!

Wish ko lang naririnig din ito ng daddy niya. Siguro walang patid yun sa kakatawa.





Pagdating ko sa bahay nakita ko na maayos na naka braid ang buhok niya...bilib ako sa yaya niya dahil naaayusan nya ng ganito si Jaden, kasi pag ako ang nagtatali ng buhok niya di ko magawa ng maayos dahil sobrang likot...





3 comments:

MiLeTTe said...

bilib din ako sa yaya mhay. si anevay nga clip lang nde ko malagyan ng maayos, braid pa kaya. lol!

~ Mhay ~ said...

Ang hirap noh? lol! ako din eh, pag ako ang nagtatali nde maayos kasi kung saan saan siya tumitingin at kung anu-ano kinakalikot! :D kaya si yaya niya ang lagi nagaayos sa kanya :D

Vannie said...

ahahaha ang cute naman ni Jaden...^_^ and love her braids ha.